Sa Lamesita [Poetry]

Isang araw napasilip ako
Sa bukas na pinto ng kwarto mo
At mahirap na hindi Makita
Koleksyon mong tago

Koleksyon mong tago mula sa akin
Ng mga bagay na mula sa akin
Mga bagay na pinabayaan,
Binalewala at kinalimutan

Sa lamesita sa tabi ng iyong kama
Isang kahong pula
Na ang takip ay pasira na
Sa paulit-ulit na pagbukas at pagsara

Isang kahong pula
Kung san mo itinago
Ang unang huning
Nanggaling saking sanggol na labi

May garapon kung saan mo inipon
Bawat luhang pinahid mula saking pisngi
Kada isa’y pinangalanan
Kada isa gunita ng iyong pagkaina

Nakamarka sa kalendaryo
Ang petsang huling nagusap tayo
Nung araw na humingi ako ng payo
At di ko nakita na ang nais mo lang
Ay ang muling maging ina
Sa sariling anak

Sa ‘yong kama nakahilata
Ang kislap ng mangha
Na tuluyan nang nalimutan
Ng aking mata

Para sa mga kamay
Na hindi nakakalimot magipon
Ng ala-ala ng pagiging ina

Hayaan mo pang umiyak ako sa piling mo
At makahanap ng ginhawa sa tinig mo
Hayaan mo pa na ang isang anak ay magsabi na
Ma, Kailangan kita

©coversonyourbed

Word count:185
I made this for my gran who recently had a huge celebration for her 75th.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s